top of page
Search

BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates AUGUST  03,  2025


ree

THE BIBLE VERSES

 SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS



THE BIBLE VERSES

THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates AUGSUT  03  2025

——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY

BIBLE VERSES AND PROMOTIONS

THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU

-----------------------------------------------------------------------------------------

ree





Ang Hula ni Zacarias Lucas Chapter 1:68-75

 Hindi Tinanggap si Jesus sa NazarethLucas Chapter 4:16-30

 Manatiling Malaya Galacia Chapter 5:1-15

Ganap na Pamumuhay kay Cristo Colosas Chapter 2:6-19

Si Jesus ang Dakilang Saserdote  Hebreo Chapter 5:1-10




TEACHING OF GOSPEL

TEACHING OF FAITH

SPIRITUAL SALVATION'S

MESSAGE OF GOD

THEME:  ANG PANGINOONG 

JESU CRISTO AY ATING SANDIGAN

AT TAGAPAGLIGTAS 


 ""Purihin natin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalay ang kanyang bayan.  At nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang tagapagligtas Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.  Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang banal na propeta noong una, Na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, Kanya ring ipinangako na kahahabaga ang ating mga magulang At alalahanin ang kanyang banal na tipan.  Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham, Na ililigtas tayo sa tig mga kaaway, Upang walang takot na makasamba sa kanya, At maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo;y nabubuhay." Lucas 14:68-75


"Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.  Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y na sila'y lalaya, At sa mga bulag na sila'y makakakita; Upang bigyan ng kaluwagan ang mga sinisiil, At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon." Lucas 4:18-19


"Pinalaya tayo ni Cristo upang manatiling malaya.  Magpakatatag nga kayo at huwag nang paalipin pang muli. " Galacia 5:1


"Sapagkat amg buomg kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang siya'y maging tao at dahil sa inyong pakikipag-isa sa kanya, naging ganao ang inyong buhay.  Sakop niya ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan." Colosas 2:6-10


"Bagama't siya'y anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis.  At nang maganap na niya ito, siya'y naging walang hanggang Tagapagligtas ng sumusunod sa kanya.." Hebreo 5:8-9


 


Lucas

Chapter 1:68-75

Ang Hula ni Zacarias


1 67 Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos: 68 “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan. 69 Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David na kanyang lingkod. 70 Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta, 71 na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway, mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin. 72 Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno, at aalalahanin ang kanyang banal na tipan. 73 Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham, 74 na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, upang tayo'y makapaglingkod sa kanya nang walang takot, 75 at maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo'y nabubuhay.. 76 Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan, 77 at upang ipaalam sa kanyang bayan ang kanilang kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. 78 Mapagmahal at mahabagin ang ating Diyos. Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan. 79 Tatanglawan niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at papatnubayan tayo sa daan ng kapayapaan.” 

 

80 Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y nanirahan sa ilang, hanggang sa araw na nakilala siya ng bansang Israel.



Lucas

Chapter 4:16-30

Hindi Tinanggap si Jesus 

sa Nazareth


4 16 Pumunta si Jesus sa Nazaret, ang bayan kung saan siya lumaki. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng kasulatan, 17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito: 

 

18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi, 19 at upang ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.” 

 

20 Inirolyo niya ang kasulatan, isinauli sa tagapag-ingat at siya'y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga, 21 at sinabi niya sa kanila, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.” 22 Pinuri siya ng lahat, at humanga sila sa kanyang napakahusay na pananalita. “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” tanong nila. 23 Kaya't sinabi ni Jesus, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang kasabihang ito, ‘Manggagamot, gamutin mo muna ang iyong sarili!’ Marahil, sasabihin pa ninyo, ‘Gawin mo rin dito sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.’ 24 Tandaan ninyo, walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. 25 Ngunit sinasabi ko sa inyo, maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain. 26 Subalit hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. 27 Sa dinami-dami ng mga may ketong sa Israel noong panahon ni Eliseo, wala ni isa mang pinagaling at nilinis maliban kay Naaman, na isang taga-Siria.” 28 Nagalit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. 29 Nagsitayo sila at itinaboy siyang palabas papunta sa gilid ng bundok na kinatatayuan ng bayan upang ihulog siya sa bangin. 30 Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.





Galacia

Chapter 5:1-15

Manatiling Malaya


5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli! 

 

2 Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan ko ang lahat ng taong nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan. 4 Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at napalayo kayo sa kagandahang-loob ng Diyos. 5 Kami'y umaasa na magiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu. 6 Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. 

 

7 Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na tumawag sa inyo. 9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.” 10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo. 11 Mga kapatid, kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus. 12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang patuli kundi tuluyan na nilang putulan ang sarili nila. 

 

13 Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.



 


Colosas

Chapter 2:6-19

Ganap na Pamumuhay 

kay Cristo


2  6 Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. 7 Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos. 

 

8 Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay Cristo. 9 Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa kanyang pagiging tao. 10 Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala. 

 

11 Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo'y tinuli hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. 12 Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. 13 Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at 14 pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. 15 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay. 

 

16 Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. 17 Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito. 18 Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa inyo dahil sa kanilang mga pangitain. Ngunit ang totoo, nagyayabang lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman. 19 Hindi sila nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan. Nakaugnay sa kanya ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos. 


 

Hebreo

Chapter 5:1-10

Si Jesus ang Dakilang Saserdote


5 1 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. 2 Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas, sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para rin sa kanyang mga kasalanan. 4 Ang karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makuha ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya, tulad ng pagkapili kay Aaron. 

 

5 Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.” 6 Sinabi rin niya sa ibang bahagi ng kasulatan, “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”

 

 7 Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbaba. 8 Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutunan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. 9 At nang siya'y maging ganap, siya ang naging sanhi upang magkamit ng walang hanggang kaligtasan ang lahat ng mga masunurin sa kanya. 10 Ginawa siya ng Diyos na Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec.





THE WISDOM BOOKS AND 

 EVANGELIZATIONS



Awit

Chapter 27:1-3

Trust in God


27 1 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? 2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. 3 Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako


 




 ----------------------------------------------------------------------

FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 

------------------------------------------------------------------------


EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7


17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.


15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."


 2THESSALONIANS 2:2-14


"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."


---------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 

Bible lights us all with the lights and 

miracles of Mother Mary"

"keep faith"



THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION





LINKS:

ENGLISH







TAGALOG VERSION




BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES





READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

------------------------------------------------------------------------------------------

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-------------------------------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------

--------------------------------

 
 
 

コメント


ABOUT US

The Bible Lights Promotions is a Catholic Beleivers share the Bible words of God uniting the entire humanity in faith in God thru Jesus Christ for the salvations for the kingdom of God.  

ADDRESS

Address and email us at:

Infanta, Quezon

godlightsmiracle@gmail.com

Download Our Weekly
News Letter:

Downloads in pdf files: click here

OFFICIAL NEW WEBSITE OF BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

  • Facebook
  • YouTube
  • Blogger

Sponsored and Compliments of Mrs. Hyde Curia and Family

© 2023 by HARMONY. Proudly created with Wix.com

bottom of page