top of page
Search

BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates JULY  25,  2025


ree

THE BIBLE VERSES

 SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS



THE BIBLE VERSES

THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates JULY  27  2025

——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY

BIBLE VERSES AND PROMOTIONS

THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU

-----------------------------------------------------------------------------------------

ree






Ang Pagparito ng Anak ng Tao Lucas Chapter 21-25-29

Pinatigil ni Jesus ang Unos   Lucas Chapter 8:22-25

Pananalangin at Pasasalamat Colosas Chapter 1:3-14

Ang Tatlong Anghel Pahayag  Chapter 14:6-13

Pagtitiyaga at Pananalangin   Santiago Chapter 5:6-20




TEACHING OF GOSPEL

TEACHING OF FAITH

SPIRITUAL SALVATION'S

MESSAGE OF GOD

THEME:   GABAY NG PANGINOONG DIYOS

AT PANGINOONG JESU CRISTO

SA PAGHARAP SA SAKUNA AT PAGHUHUKOM,, 


"Magkakaroon ng tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituain.  Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilitp dahil sa ugpng at mga  daluyong ng dagat.  Ang mga tao'y hihimatayon sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani- kanilang landas ang mga planeta at iba pang tulad nito na nasa kalawakan. " Lucas 21:25-26


Nilapitan siya at ginising ng mga alagad. "Guro, Guro, lulubog po tayo!" sabi nila.  Bumangon si Jesus, at sinaway ang hangin at ang mga nagngangalit na mga alon, at tumahimik ang mga ito.  Bumuti ang panahon.  Tinanong niya sila, "Nasaan ang inyong pananalig?"  Nguni't sila'y natakot at namangha, at ang sabi sa isa't isa, "Sino kaya ito?  Inuutusan niya ang hangin at ang dagat, at sinusunod naman siya ng mga ito!" Lucas 8:24-25


 "Idinadalangin din naming kayo'y patatagin niya sa tulong ng kanyang kapangyarihan upang masaya ninyong mapagtiisan ang lahat ng bagay."  Colosas 1:11


 "Kaya'y magpakatatag ang hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus."  Pahayag 14:12


 "Sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis.  Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at ang ginawa sa kanyang ng Panginoon sa bandang huli.  ito'y nagpapakilala na mabuti at mahabagin ang Panginoon." Santiago 5:11




Lucas

Chapter 21-25-29

Ang Pagparito ng Anak ng Tao


21 25 “Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. 26 Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. 27 Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan. 28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, tumayo kayo at tumingala sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.”


 

 Lucas

Chapter 8:22-25

Pinatigil ni Jesus ang Unos


8 22 Isang araw, sumakay sa isang bangka si Jesus at ang kanyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa ibayo.” At ganoon nga ang ginawa nila. 23 Nang sila ay naglalayag na, nakatulog si Jesus. Bumugso ang isang malakas na unos at ang bangka ay pinasok ng tubig, kaya't sila'y nanganib na lumubog. 24 Nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, Panginoon, mamamatay tayo!” sabi nila. Bumangon si Jesus at sinaway ang hangin at ang malalaking alon. Tumahimik ang mga ito at bumuti ang panahon. 25 Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”

 

 

Colosas

Chapter 1:3-14

Pananalangin at Pasasalamat


1 3 Tuwing ipinapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 4 Sapagkat nabalitaan namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang ng Diyos, 5 dahil sa pag-asang makakamtan ninyo na inihanda para sa inyo sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa pag-asang ito nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na dumating sa inyo. 6 Ito'y lumalaganap at nagdadala ng pagpapala sa buong daigdig, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig at maunawaan ninyo ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. 7 Natutunan ninyo ito kay Epafras, ang aming kamanggagawa, isang tapat na lingkod ni Cristo at kinatawan ninyo. 8 Sa kanya namin nalaman ang inyong pag-ibig na naaayon sa Espiritu.

 

 9 Kaya't mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na sana'y ipaunawa niya sa inyo nang lubusan ang kanyang kalooban, sa pamamagitan ng karunungan at pang-unawang kaloob ng Espiritu. 10 Sa gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos. 11 Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. 12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13 Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo]. 

 

 

 Pahayag 

Chapter 14:6-13

Ang Tatlong Anghel


14  6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang malakas, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!” 8 Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa ng alak ng kanyang kahalayan!” 9 At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na sumisigaw, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, 10 ay paiinumin ng Diyos ng purong alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. 11 Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.” 12 Ito'y panawagan na magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at nananatiling tapat kay Jesus. 13 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo: Mula ngayon, pinagpala ang mga namamatay na naglilingkod sa Panginoon!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga silang pinagpala! Magpapahinga na sila sa kanilang mga pagpapagal; sapagkat sinusundan sila ng kanilang mga gawa.” 



 

 Santiago

Chapter 5:6-20

Pagtitiyaga at Pananalangin 


5 1 Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. 2 Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. 3 Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. 4 Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi! 5 Nagpasasa kayo sa kalayawan at karangyaan dito sa lupa. Nagpataba kayong parang mga hayop na kakatayin. 6 Hinatulan ninyo at ipinapatay ang taong matuwid na hindi lumalaban sa inyo. 7 Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan. 8 Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon. 

 

9 Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 10 Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. 11 Sinasabi nating pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon.

 

 12 Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. 

 

13 May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14 May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15 Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. 16 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. 17 Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18 At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman.

 

 19 Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, 20 ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming kasalanan.




THE WISDOM BOOKS AND 

 EVANGELIZATIONS



Awit

Chapter 16:1-11

God the Supreme Good


16 1 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. 2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y walang kabutihan liban sa iyo. 3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos. 4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi. 5 Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran. 6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana. 

 

7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso. 8 Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. 9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. 10 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. 11 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa






 ----------------------------------------------------------------------

FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 

------------------------------------------------------------------------


EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7


17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.


15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."


 2THESSALONIANS 2:2-14


"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."


---------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 

Bible lights us all with the lights and 

miracles of Mother Mary"

"keep faith"



THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION





LINKS:

ENGLISH







TAGALOG VERSION




BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES





READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

------------------------------------------------------------------------------------------

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-------------------------------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------

--------------------------------

 
 
 

Comments


ABOUT US

The Bible Lights Promotions is a Catholic Beleivers share the Bible words of God uniting the entire humanity in faith in God thru Jesus Christ for the salvations for the kingdom of God.  

ADDRESS

Address and email us at:

Infanta, Quezon

godlightsmiracle@gmail.com

Download Our Weekly
News Letter:

Downloads in pdf files: click here

OFFICIAL NEW WEBSITE OF BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

  • Facebook
  • YouTube
  • Blogger

Sponsored and Compliments of Mrs. Hyde Curia and Family

© 2023 by HARMONY. Proudly created with Wix.com

bottom of page