top of page
Search
biblelightspromotion

 SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates APRIL  28  2024


THE BIBLE VERSES

 SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS



THE BIBLE VERSES

THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates APRIL  28  2024


——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY

BIBLE VERSES AND PROMOTIONS

THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU

-----------------------------------------------------------------------------------------

 






Ang Pagtukso kay Jesus  Mateo Chapter 4:1-11

Ang Turo Tungkol sa Panalangin  Mateo Chapter 6:5-15

 Ang Pagpapakain sa Limang Libo Mateo Chapter 15:32-39

Ang Kawan ng Diyos 1Pedro Chapter 5:1-11

 Si Jesus ang Daan Juan Chapter 14:1-14

Humingi, Humaanap at Kumatok Mateo Chapter 7:7-12



TEACHING OF GOSPEL

TEACHING OF FAITH

SPIRITUAL SALVATION'S

MESSAGE OF GOD 

 FAITH IN GOD THRU JESUS CHRIST

TO FACE SUFFERINGS AND 

TEMPTATIONS

"PRAY AND WISH FOR GODS HELP"


"Nang makapag-ayuno si Jesus ng apat-napung araw at apat-napung gabi, siya'y nagutom.  Dumating ang manunukso at sianbi sa kanya, :Kung ikaw ang Anak ng Diyos, iuotos mo na ang mgabatong ito'y maging tinapay."  Ntunit sumagot si Jesus, "Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, KUndi sa bawa't salitang namumutawi sa bibi ng Diyos.'"Mateo 4:2-4


"Ama naming nasa langit, Sambahin nawa ang ngalan mo , Ikaw nawa ang maghari sa amin, Sundi nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.  Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito; At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan.  Tulad rin naman ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.  AT huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok, Kundi iadya mo lkami sa masama." Mateo 6:9-13


"Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi, "Nahahabag ako sa  mga taong ito, sapagkat tatlolng araw na ngayong kasama ko sila, at wala na silang makain.  Ang mga tao'y pinaupo ni Jesus sa lupa.  Kinuha ang pitong tinapay at ang mga isda.  at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira piraso niya ang mga iyon, at ibinigay sa mga alagad.  Ipinamahagi naman nila iyon sa mga tao.  Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila nag mga pira pirasong tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.  At may 4,000 lalaki abng kumainm bukod pa sa mga babae at mg bata. "   Mateo 15:32-37


"Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mg kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo."  1Pedro 5:6


   At anumang hilingin ninyo sa ama sa aking pangalan ay gagwin ko, upang maprangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak.  "gagawin ko ang naumang hihilingin ninyo sa pangalan lko."  Juan 14:13-14


"Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makasusumpong; kumatok kayo at ang pinto'y bubuksan para sa inyo   Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binuduksan ang pinto sa bawat kumakatok."  Mateo 7:7-8




Mateo

Chapter 4:1-11

Ang Pagtukso kay Jesus


4 1 Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2 Siya'y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya't siya'y nagutom. 3 Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong ito.” 

 

4 Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’” 

 

5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo. 6 Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’” 

 

7 Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’” 8 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang karangyaan ng mga ito. 9 Sinabi ng diyablo sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.” 10 Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’” 11 Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran nila. 

 



Mateo

Chapter 6:5-15

Ang Turo Tungkol sa 

Panalangin


6  5 “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. 

 

7 “Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. 

 

9 Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. 10 Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. 11 Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; 12 at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. 13 At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’ 

 

14 “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”




Mateo

Chapter 15:32-39

Ang Pagpapakain sa Limang Libo


15 32 Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Nahahabag ako sa mga taong ito. Tatlong araw na ngayong kasama natin sila at wala na silang pagkain. Ayokong paalisin sila nang gutom, baka sila mahilo sa daan.” 33 Sinabi naman ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain para sa ganito karaming tao sa ilang na ito?” 34 “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Jesus sa kanila. “Pito po, at mayroon pang ilang maliliit na isda,” sagot nila. 35 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao. 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. 37 Nakakain at nabusog ang lahat, at nang ipunin ng mga alagad ang tinapay na lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing. 38 May apat na libong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata. 

 

39 Nang napauwi na ni Jesus ang mga tao, sumakay siya sa bangka at nagtungo sa lupain ng Magadan. 

 

 

 

1Pedro

Chapter 5:1-11

Ang Kawan ng Diyos


5 1 Sa matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga paghihirap ni Cristo at sapagkat makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos]. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan. 4 At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman. 5 At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.” 

 

6 Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo. 8 Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 9 Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11 Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen. 



Juan

Chapter 14:1-14

Si Jesus ang Daan


14 1 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4 At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” 6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.” 8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.” 

 

9 Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.” 



Mateo

Chapter 7:7-12

Humingi, Humaanap at Kumatok


7  7 “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! 12 “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”




 

THE WISDOM BOOKS AND 

 EVANGELIZATIONS



Awit

Chapter 37:1-6

Fate of the Sinners and 

Reward of the Just


37 1 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 2 Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. 3 Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. 4 Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. 5 Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin. 6 At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.




 

 

FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 


-------------------------------------------------------------------------


EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7


17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."




 2THESSALONIANS 2:2-14


"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."


---------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 

Bible lights us all with the lights and 

miracles of Mother Mary"

"keep faith"



THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION





LINKS:

ENGLISH







TAGALOG VERSION




BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES





READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

------------------------------------------------------------------------------------------

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-------------------------------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------

--------------------------------

0 views0 comments

Comments


bottom of page