THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS Updates December 18, 2022
——————————————-------------------------—————– ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY BIBLE VERSES AND PROMOTIONS THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU -----------------------------------------------------------------------------------------
pinahayag ang Panganganak kay Jesus Lucas Chapter 1:26-38
Ang Pagdalaw ni Maria kay Elizabeth Lucas Chapter 1:39-56 Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria Lucas Chapter 1:45-56 Naging Tao ang Salita Juan Chapter 1:1-18 Si Jesus at Nicodemo Juan Chapter 3:1-21
TEACHING OF GOSPEL TEACHING OF FAITH SPIRITUAL SALVATION'S MESSAGE OF GOD
FAITH OF MOTHER MARY AND GODS BLESSINGS "Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalang tao ni Elisabeth, ang anghel Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazareth, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala'y Maria. Paglapit ng anghel sa kinarooronan ng dalaga, kanyang binati ito. "Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon! Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki at siya'y panganganlan mong Jesus. Siya''y magiging dakila at tatawaging anak ng kataas taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Sumabot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel." Lucas 1:26-38 "Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon." Lucas 1:45 "At sinabi ni Maria. "Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, At nagagalak ang aking Espiritu Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawagaing mapalad ng laaht ng salinlahi."Lucas 1:46-48 "Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling natin; nakita namin ang kanyang kapangyarihan, at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at kataptan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihang at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak. Dahil sa siya'y puspos ng pag-ibig at katapatan, taypng lahat ay tumanggap sa kanya ng abut- abot ma kaloob. " Juan 1:14, 16 "Ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya abinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataay sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Juan 3:16 Lucas Chapter 1:26-38 Ipinahayag ang Panganganak kay Jesus
1 26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.” 34 “Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria. 35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37 sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38 Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Lucas Chapter 1:39-56 Ang Pagdalaw ni Maria kay Elizabeth
1 39 Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa bulubundukin ng Juda. 40 Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elizabeth. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. 42 Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! 43 Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? 44 Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. 45 Pinagpala ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”
Lucas Chapter 1:45-56 Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria
46 At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, 47 at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, 48 sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala; 49 dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan! 50 Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya. 51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. 52 Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. 53 Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman. 54 Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod, at hindi niya kinalimutang kahabagan ito. 55 Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!” 56 Nanatili si Maria kina Elizabeth nang may tatlong buwan bago siya umuwi.
Juan Chapter 1:1-18 Naging Tao ang Salita
1 1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4 Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman. 6 Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. 7 Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya. 8 Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. 9 Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao. 10 Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11 Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos. 14 Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. 15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’” 16 Mula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat ng abut-abot na kagandahang-loob. 17 Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit ang natatanging Diyos na pinakamamahal ng Ama, ang nagpakilala sa Ama.
Juan
Chapter 3:1-21
Si Jesus at Nicodemo
3 1 May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio. 2 Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” 3 Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” 4 “Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong ni Nicodemo. 5 Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.” 9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo. 10 Sumagot si Jesus, “Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito? 11 Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? 13 Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumabâ mula sa langit, ang Anak ng Tao.”
14 At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
18 Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. 20 Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 111:1-10
Praise of Gods for Goodness
of Isarel
111 1 Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan. 2 Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan. 3 Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 4 Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan. 5 Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan. 6 Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa. 7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan: lahat niyang mga tuntunin ay tunay. 8 Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa katotohanan at katuwiran. 9 Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man: banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan. 10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7 17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala s
ahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. HEBREWS 4:7 "KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14 "Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
-------------------------------------------------------------------------------------------------- "The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and Bible lights us all with the lights and miracles of Mother Mary" "keep faith" THE BIBLE VERSES SOURCES ENGLISH AND TAGALOG VERSION http://www.catholic.org/bible/ http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm http://filipino.bible/bible-reader/ LINKS: ENGLISH http://www.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm TAGALOG VERSION http://filipino.bible/bible-reader/ https://live.bible.is/bible/TGLTAB/PSA/ BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES Bible Lights Promotions Bible Lights Promotion - blogspot.com http://www.biblelightspromotions.co.nr READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG BIBLE LIGHTS PROMOTIONS ----------------------------------------------------------------------------- ----------------------------------------------------------------- --------------------------------
Comments