THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JULY 28 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Kawan ng Diyos 1Pedro Chapter 5:1-11
Ang Pagtiits ng Cristiano 1Pedro Chapter 4:12-19
Pananampalataya at karunungan Santiago Chapter 1:1-7
Lumapit sa Diyos Hebreo Chapter 10:1-39
Pasasalamat ni Pablo 2Corinto Chapter 1:3-11
Ang Mabuting Balita sa mga Hentil Roma Chapter 15:7-13
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: SALIG NATIN SA
PANGINOONG DIYOS MLA
PANGINOONG JESU-CRISTO ANG
ATING KABALISAHAN AT KAPIGHATIAN
AT MALAKING PAG-ASA AT KAPANATAGAN
ANG ATING MAKAKAMIT
"Kaya nga, pailalim kayo sa kapangyarihan ng Diyos sat dadakilain niya kayp pagdating ng takdang panahon. Ipagkatiwala ninyo sa kanya Ang inyong kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo." 1Pedro 5:6-7
"Mga Minamahal, huwag ninyong pagtakhan at ituring na di pangkaraniwan ang ang mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas. Sa halip,. magalak kayo sa inyong pakikihati sa mga hirap ni Cristo, at magiging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kadakilaan."1Pedro 4:12-13
"Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng ibat ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong mapagtagumpayan ang mga pagsubok na ito." Santiago 1:2-3
"Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, sapagkat taglay nito ang dakilang gantimpala. Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ang kanyang ipinangako." Hebreo 10:35-36
"Mga Kapatid, ibinalita namin sa inyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't nawalan kami ng pag-asang mabuhay pa. Kami'y iniligtas niya noon sa tiyak na kamatayan at patuloy na inililigtas. Lubos ang aming pag-sa na iliigtas pa niya. " 2Corinto 1:8, 10
"Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang magkaloob nawa sa inyo ng kagalakan at kapayapaan at pananalig, upang sumagana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. "Roma 15:13
1Pedro
Chapter 5:1-11
Ang Kawan ng Diyos
5 1 Sa matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga paghihirap ni Cristo at sapagkat makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos]. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan. 4 At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman.
5 At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”
6 Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
8 Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 9 Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11 Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.
1Pedro
Chapter 4:12-19
Ang Pagtiits ng Cristiano
4 12 Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. 13 Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian. 14 Pinagpala kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos. 15 Huwag nawang mangyaring magdusa ang sinuman sa inyo dahil siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o pakialamero. 16 Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.
17 Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos? 18 Tulad ng sinasabi ng kasulatan, “Kung ang taong matuwid ay napakahirap maligtas, ano kaya ang kahihinatnan ng mga makasalanan at hindi kumikilala sa Diyos?”
19 Kaya nga, ang mga nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako.
Santiago
Chapter 1:1-7
Pananampalataya
at karunungan
1 1 Mula kay Santiago, lingkod ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga hinirang ng Diyos na nakikipamayan sa iba't ibang bansa. 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. 5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong
Hebreo
Chapter 10:1-39
Lumapit sa Diyos
10 19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.
26 Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27 Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28 Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang pinapatay. 29 Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu?
30 Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.”
31 Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy! 32 Alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis ng matinding hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo nagpadaig. 33 Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap ng madla; kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo na pinapahirapan nang gayon. 34 Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng ari-arian, sapagkat alam ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo. 35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako.
37 Sapagkat, “Kaunting panahon na lamang, hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na. 38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit kung siya'y tatalikod, hindi ko siya kalulugdan.”
39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga may pananampalataya at naliligtas.
2Corinto
Chapter 1:3-11
Pasasalamat ni Pablo
1 3 Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. 4 Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis. 5 Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo. 6 Kung naghihirap man kami, ito'y para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin. 7 Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan.
8 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami. 9 Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay. 10 Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas 11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.
Roma
Chapter 15:7-13
Ang Mabuting Balita
sa mga Hentil
15 7 Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo, si Cristo'y naglingkod sa mga Judio upang patunayang ang Diyos ay tapat, at tumutupad sa mga pangako niya sa kanilang mga ninuno, 9 at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat, “Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin, At aawitan ko ang iyong pangalan.” 10 Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!” 11 At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!” 12 Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.” 13 Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chaptr 128:1-6
Happy Home of the Just
128 1 Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. 2 Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. 3 Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. 4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon. 5 Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. 6 Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.
----------------------------------------------------------------------
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
------------------------------------------------------------------------------------------
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
Comments