top of page
Search
biblelightspromotion

 SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates MAY  05  2024


THE BIBLE VERSES

 SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS



THE BIBLE VERSES

THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates APRIL  05  2024


——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY

BIBLE VERSES AND PROMOTIONS

THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU

-----------------------------------------------------------------------------------------

 







Ang Pag-ibig ni Cristo Efeso Chapter 3:14-21

Kapahingahan Para sa  Sambahayan ng Diyos Hebreo Chapter 3:7-15

Aral sa mga Alipin at  Panginoon Efeso Chapter 6:5-9

Nakipagkasundo sa Diyos sa  Pamamagitan ni Cristo  2Corinto Chapter 6:1-11

Pansariling Tagubilin 1Timoteo  Chapter 6:11-21 

 



TEACHING OF GOSPEL

TEACHING OF FAITH

SPIRITUAL SALVATION'S

MESSAGE OF GOD 

 "MAGING MABUTING

MANANAMPALATAYA NG DIYOS MULA 

PANGINOONG JESU CRISTO 

ANG MANGGGAWA "


"Naway manahan si Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, ay maunwaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Cristo." Efeso 3:17-18 


"Mga kapatid, ingatan ninyo na huwag sumama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa talikdan ang Diyos na buhay.  Sa halip magpalalahanan kayo araw-araw, habang may panahon pa, upang sinuman sa inyo ay hindi madaya at maging alipin ng kasalanan.  Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo, kung tayo ay magiging matatag hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya..  Ito nga ang sinasabi sa Kasulatan:  "Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, Huwag maging matigas ang inyong ulo, gaya ng inyong ginawa nang maghimagsik layo sa Diyos."

Hebreo 3:12-14


"Maglingkod kayo ng may mabuting kalooban, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao lamang.  Sapagkat alam ninyong gagantihin ng Panginoon ang bawa't mabuting gawa ninuman, alipin man o malaya.   Mga Panginoon, maging mabuti kayo sa inyong mga alipin at huwag ninyo silang pagbantaan, sapagkat alam ninyong kayo'y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit at walang itinatangi. "  Efeso 6:7-9


"Sa halip, ipinakilala ko sa lahat ng paraan na ako'y lingkod ng Diyos:  sa pagtitiis ng matinding kahirapan, kapighatian, at mga kagipitan. "  2Corinto 6:4


"Sabihin mo sa mayayaman na huwag magmataas; huwag silang umasa sa kayamanang di mananatili, kundi sa Diyos na masaganang nagkakaloob ng lahat ng bagay sa ating ikasisiya.  Turuan mo silang gumawa ng mabuti, magpakayaman sa mabubutng gawa, maging bukas palad at matulungain sa kapwa.  sa ganitong paraan sila makapagimpok para sa hinaharap at magkakamit ng tunay na buhay. " 1 Timoteo 6:17-19



Efeso

Chapter 3:14-21

Ang Pag-ibig ni Cristo


3 14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16 Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan. 17 Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos. 

 

20 Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21 sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.




Hebreo

Chapter 3:7-15

Kapahingahan Para sa 

Sambahayan ng Diyos


3 7 Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag ngayon ang tinig ng Diyos ay narinig ninyo,  8 huwag patigasin ang inyong mga puso, tulad noong maghimagsik ang inyong mga ninuno, doon sa ilang nang subukin nila ako. 9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong mga magulang, bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon. 10 Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin, ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’ 11 At sa galit ko, ‘Ako ay sumumpang hindi nila kakamtin ang kapahingahan sa aking ipinangakong lupain.’”

 

 12 Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa Diyos na buháy. 13 Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo'y maging matigas ang puso. 14 Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang sumampalataya. 

 

15 Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”



 

Efeso

Chapter 6:5-9

Aral sa mga Alipin at

 Panginoon


6  5 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong katapatan, takot at paggalang, na parang si Cristo ang siya ninyong pinaglilingkuran. 6 Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Cristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. 7 Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya. 

 

9 Mga amo, maging mabait kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbabantaan. Huwag ninyong kalilimutan na kayo'y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit, at pantay ang kanyang pagtingin sa inyo.

 

 

 

2Corinto

Chapter 6:1-11

Nakipagkasundo sa Diyos sa 

Pamamagitan ni Cristo

 

 6 1 Yamang kami'y magkakasama sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos. 

 

2 Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Ngayon na ang kaukulang panahon! Ito na ang araw ng pagliligtas! 

 

3 Iniwasan naming makagawa ng anumang makakahadlang kaninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod. 4 Sa halip, sa lahat ng paraan sinisikap naming ipakita ang aming katapatan bilang mga lingkod ng Diyos. Kami'y matiyagang nagtiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan. 5 Kami'y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan namin ang magtrabaho nang labis, mapuyat at magutom. 6 Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, kabutihan, patnubay ng Espiritu Santo, tunay na pag-ibig, 7 tapat na pananalita, at kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang panlaban at panangga. 8 Naranasan naming maparangalan at ipahiya, ang laitin at papurihan. Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi; 9 hindi kinikilala, gayong kami'y kinikilala ng marami; itinuturing na patay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi pinapatay. 10 Ang tingin sa amin ay nalulungkot, gayong kami'y laging nagagalak; mga dukha, ngunit marami kaming pinapayaman; mga walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay. 11 Mga taga-Corinto, tapatan ang pagsasalita namin sa inyo. Binuksan namin ang aming puso sa inyo. 12 Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng inyong puso sa amin.


 

 

 1Timoteo

Chapter 6:11-21

Pansariling Tagubilin


6 .11 Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kaamuan. 12 Ipaglaban mo nang mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo. 13 Iniuutos ko sa iyo, sa harapan ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa harapan ni Cristo Jesus na nagbigay ng mabuting patotoo sa harap ni Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti nang may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. 15 Siya'y darating sa panahong itinakda ng mapagpala at makapangyarihang Diyos, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan, at nananatili sa liwanag na di matitigan. Walang taong nakakita, o makakakita sa kanya. Sa kanya ang karangalan at kapangyarihang walang hanggan. Amen. 

 

17 Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan. 18 Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. 19 Sa gayon, makakapag-impok sila para sa mabuting pundasyon sa hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

 

 20 Timoteo, pakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga usapang lumalapastangan sa Diyos at ang mga pagtatalo tungkol sa hindi totoong karunungan. 21 Dahil sa kanilang pag-aangking mayroon sila nito, may mga nalihis na sa pananampalataya. Sumainyo ang kagandahang-loob ng Diyos.




 

THE WISDOM BOOKS AND 

 EVANGELIZATIONS


Awit

Chapter 67:1-7

Havest Thamls amd Petitions


 67 1 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) 2 Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa. 3 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. 4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah) 5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. 6 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami. 7 Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.




 

 ----------------------------------------------------------------------

FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 

------------------------------------------------------------------------


EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7


17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."




 2THESSALONIANS 2:2-14


"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."


---------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 

Bible lights us all with the lights and 

miracles of Mother Mary"

"keep faith"



THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION





LINKS:

ENGLISH







TAGALOG VERSION




BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES





READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

------------------------------------------------------------------------------------------

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-------------------------------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------

--------------------------------

0 views0 comments

Comentários


bottom of page