THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS Updates OCTOBER 01, 2023
——————————————-------------------------—————– ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY BIBLE VERSES AND PROMOTIONS THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU -----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso Pahayag Chapter 2:1-7 Ang Sulat sa Iglesya sa Esmira Pahayag Chapter 2:8-11
Ang Sulat sa Iglesya sa Pergamo Pahayag Chapter 2:12-17 Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira Pahayag Chapter 2:18-29 Ang Sulat sa Iglesya Sardis Pahayag Chapter 3:1-6 Ang Sulat sa Iglesya sa Filadelfia Pahayag Chapter 3:7-13 Ang Sulat sa Iglesya sa Laodicea Pahayag Chapter 3:14-22
TEACHING OF GOSPEL TEACHING OF FAITH SPIRITUAL SALVATION'S MESSAGE OF GOD
"PAKINGGAN ANG MGA SULAT SA IGLESIA" "Alam kong matiyaga ka, nagtitiis ng maraming kahirapan alang alang sa akin, at hindi nanlulupaypay. Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na sa akin -- hindi mo na ako mahal ngayon tulad ng dati. Alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo'y talikdan ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang ginagawa mo nuong una. Kapag hindi ka nagsisi, paririyan ako at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyojng ilawan. Nguit ito nama nang napupuri ko sa iyo: kinapopootan mo dring tulad ko ang ginagawa ng mga Nicolaita. "Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng ESpiritu sa mga iglesya! "Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain sng bunga ng punungkahoy ng buhay na nasa Halamanan ng Diyos." Pahayag 2:3-7 "Huwag mong katakutan ang mga paguusig na malapit mo nang dansain. Pakinggan mo ipabibilanggo ng Diyablo ang ilan sa inyo bilang isang pagsubok; magtitiis kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapatt hanggang kamatayan at ipagkakaloob ko sayo ang putong ng buhay. "Kung may pandinig kayo, dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! "Ang magtatagumpay ay hindi magdaranas ng pangalwang kamatayan." Pahayag 2:10-11 "May ilan din sa inyo na sumusunod sa aral ng Nicolaita. kaya nga pagsisihan ninyo at talikdan ang inyong kasalanan! Kung hindi'y paririyan ako sa lalong madaling panahon pupuksain ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng tabak na lumalabas s aking bibig." "kung may pandinig kayo dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! "Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang nakatagong pagkain sa langit. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na kinasusulatan ng ng isang bagong pangalan, na walang sinumang makaaalam maliban sa tatanggap niyon." Pahayag 2:15:17 ""Sa magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigay ko ang pamamahalang gaya ng tinaggap ko sa aking Ama: Ang pamamahala sa mga bansa. Mamahala siya sa pamamagaitan ng kamay na bakal at dudurugin niya ang mga bansagaya ng pagdurog sa palayok. Ibibigay ko rin sa knaya ang tala sa umaga.. " Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! Pahayag 2:26-29 "Alalahanin mo kung paano mong tinanggap ang mga aral na iyong narinig; isagawa mo ang mga yaon, pagsisihan mo't talikdan ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, paririyan akong gaya ng magnanakaw hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating. GAyunman, may ilan diyan sa Sardis na naiingatang malinis ang kanilang damit. kaya't magiging kasama sama ko silang nakasuot ng puti, sapagkat sila'y karapat-dapat. Ang magtatagumpay ay daramtan din ng puti, athinid ko aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. kikilanlin ko siya sa harapan ng aking Ama at ng kanyang mga anghel."Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! " Pahayag 3:3-5 "Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating ng pagsubok sa lahat ng tao sa sanlibutan. Darating ako sa lalong madaling panahon. Ingatan mo ang mga katangiang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong korona. Ang magtatagumpay ay gagawing kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya maalis duon magpakailanman. iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan. .Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! Pahayag 3:10-13 Tinuturan ko't sinusupil ang lahat ng aking iniibig. Kaya nga magsikap ka; pagsisiha't talikdan mo ang iyong kasalanan. Tingnan mo, nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok' kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako'y papasok sa kanyang tahanan at magkkasalo kaming kakain. Ang magtatagumpay uupng katabi ko sa aking luklukan, kung paanong ako;y nagtagumpay, at nakaupo ngayon sa tabi ng aking Ama sa kanyang luklukan. Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! " Pahayag 3:19-22 Pahayag Chapter 2:1-29 Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso
2 1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: “Ito ang sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto. 2 Alam ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapagal at matiyagang pagtitiis. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao. Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y apostol, at napatunayan mong sila'y huwad. 3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. 4 Subalit may isang bagay na ayaw ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una. 5 Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una. Kapag hindi ka nagsisi, pupunta ako diyan at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan. 6 Ngunit ito naman ang napupuri ko sa iyo; kinapopootan mo ring tulad ko ang mga ginagawa ng mga Nicolaita. 7 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Diyos.”
Ang Sulat sa Iglesya sa Esmira
8 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna: “Ito ang sinasabi sa iyo ng simula at wakas, ang namatay at muling nabuhay. 9 Alam ko ang mga kapighatian na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y mayaman ka. Nalalaman ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga nagpapanggap na mga Judio; ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni Satanas. 10 Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang pagsubok; magdurusa kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan kita ng korona ng buhay. 11 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”
Ang Sulat sa Iglesya sa Pergamo
12 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo: “Ito ang sinasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. 13 Alam ko kung saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas. Gayunma'y nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa lugar na tinitirhan ni Satanas. 14 Subalit may ilang bagay na ayaw ko sa iyo: may ilan sa inyo na sumusunod sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang mga Israelita na magkasala. Kaya't kumain sila ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at nakiapid. 15 May ilan din sa inyong sumusunod sa katuruan ng mga Nicolaita. 16 Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan! Kung hindi, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon at pupuksain ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng tabak na lumalabas sa aking bibig. 17 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng nakatagong pagkain. Bibigyan ko rin siya ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”
Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira
18 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira: “Ito ang sinasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab. 19 Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. 20 Ngunit ito ang ayaw ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. 21 Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang pakikiapid, ngunit ayaw niya. 22 Kaya nga bibigyan ko siya ng malubhang sakit, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan. 23 Papatayin ko ang kanyang mga anak upang malaman ng mga iglesya na sinisiyasat ko ang puso't isip ng mga tao at gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga gawa. 24 “Ngunit para sa ibang mga taga-Tiatira, na hindi sumusunod sa katuruan ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na ‘malalalim na lihim ni Satanas,’ ito ang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo bibigyan ng ibang pasanin, 25 ngunit panghawakan ninyo kung anong mayroon kayo hanggang ako'y dumating. 26 Sa magtatagumpay at tutupad ng ipinapagawa ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa. 27 Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok. 28 Ibinibigay ko ito kung paanong ibinigay ito sa akin ng Ama. Ibibigay ko rin sa mga magtatagumpay ang bituin sa umaga. 29 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Pahayag Chapter 3:1-22 Ang Sulat sa Iglesya Sardis 3 1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Sardis: “Ito ang sinasabi ng nagtataglay ng pitong espiritu ng Diyos at ng pitong bituin. Alam ko ang ginagawa mo; ang alam ng marami, ikaw ay buháy, ngunit ang totoo, ikaw ay patay. 2 Kaya't gumising ka! Palakasin mo ang nalalabi pa sa iyo upang hindi ito tuluyang mamatay. Sapagkat nakita kong hindi ganap sa paningin ng aking Diyos ang mga nagawa mo. 3 Kaya nga, alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig. Isagawa mo ang mga iyon; pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, pupunta ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating. 4 “Ngunit may ilan sa inyo diyan sa Sardis na napanatiling walang dungis ang kanilang damit, kaya't kasama ko silang maglalakad na nakasuot ng puting damit sapagkat sila'y karapat-dapat. 5 Ang magtatagumpay ay dadamitan ng puti, at hindi ko kailanman buburahin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel. 6 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Ang Sulat sa Iglesya sa Filadelfia
7 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang binubuksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sinasarhan niya. 8 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong kaunti lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman. 9 Tingnan mo! Palalapitin ko sa iyo at paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang minamahal kita. 10 Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig! 11 Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't ingatan mo kung ano ang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong gantimpala. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lungsod. Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan . 13 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Ang Sulat sa Iglesya sa Laodicea
14 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Laodicea: “Ito ang sinasabi niya na ang pangalan ay Amen, ang tapat at tunay na saksi, at siyang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos. 15 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong hindi ka malamig ni mainit. Mabuti pa sana kung ikaw ay malamig o mainit. 16 Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita! 17 Sinasabi mong ikaw ay mayaman, sagana sa lahat ng bagay at wala nang kailangan pa, ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa, kahabag-habag, dukha, bulag at hubad. 18 Kaya nga, ipinapayo kong bumili ka sa akin ng purong ginto upang ikaw ay maging tunay na mayaman. Bumili ka rin sa akin ng puting damit upang iyong isuot at matakpan ang nakakahiya mong kahubaran. Bumili ka rin sa akin ng gamot na ipapahid sa iyong mata upang ikaw ay makakita. 19 Sinasaway ko't pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan. 20 Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya. 21 Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama sa kanyang trono. 22 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS Awit Chapter 51:1-21 The Miserere: The Prayer of Repentance
51 1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. 2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. 3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. 4 Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. 5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, 6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan. 7 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. 8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. 9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. 10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. 11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7 17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala s
ahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. HEBREWS 4:7 "KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14 "Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
-------------------------------------------------------------------------------------------------- "The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and Bible lights us all with the lights and miracles of Mother Mary" "keep faith" THE BIBLE VERSES SOURCES ENGLISH AND TAGALOG VERSION http://www.catholic.org/bible/ http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm http://filipino.bible/bible-reader/ LINKS: ENGLISH http://www.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm TAGALOG VERSION http://filipino.bible/bible-reader/ https://live.bible.is/bible/TGLTAB/PSA/ BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES Bible Lights Promotions Bible Lights Promotion - blogspot.com http://www.biblelightspromotions.co.nr READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG BIBLE LIGHTS PROMOTIONS ----------------------------------------------------------------------------- ----------------------------------------------------------------- --------------------------------
Comments